Tuesday, October 9, 2018

Proyekto sa komunikasyon


                              "SECOND CHANCE"
                       Directed by: Cathy Garcia Molina
 
             Unang pelikula nito  ay tungkol sa pitong taong pagsasama Nina popoy at basha . Nagsimula ang kuwento sa kung paano minahal ni popoy  si basha sa pamamagitan ng bunggang kasalan at Hindi na tumuloy si popoy  sa Europa dahil mas pinili niyang manatili kaysa unahin niya ang kanyang pangarap at sinabing nakuha na niya ang kanyang pangarap at itoy maging asawa si basha. Nagsama silang dalawa para buhuin ang kanilang pangarap na makapagpatayo ng negosyo na nag-uugnay sa kanilang propesyon bilang arkitek at inhinyero.
           Ang mga problema o hamon sa buhay at nararanasan sa relasyon may perpekto at walang perpekto .May matinding pagsubok ang dumating sa kanila at ito'y nakaapekto ng lubos sa kanilang pagsasama. Nakunan si basha at labis niya itong dinamdam .Pagkatapos naman doon at gumuho ang gusali na ipinapatayo ni popoy at dahil doon kailangan niyang gastuhan ang nasira upang di mawala sa kanila ang proyekto. Nabaon ang kompanya nila sa utang.
           Nilihim ni popoy sa asawa ang tunay na estado ng kanilang kompanya .Nagpumilit si basha na magtrabaho dahil parang may Mali na sa kompanya nila at dahil doon natuklasan ni basha ang tunay na kalagayan ng kanilang negosyo at unti-unting nawalan ng tiwala Kay popoy .Inayos ni basha ang dapat ayusin sa kompanya.
          Isang araw Hindi sadyang nagkita si popoy at ang kanyang kaibigang babae na may nararamdaman sa kanya. Nag-usapan sila sa kung anong narating nila. Gabi na at lasing si popoy. Nakita ni basha ang mga litrato sa Facebook. Nagtalo sila sa pag-uwi ni popoy at doon lumabas ang pagka emosyonal ng dalawa. Plinano ni popoy na pumunta ng Europa upang tuparin ang kanyang pangarap .At sa huli Hindi tumuloy si popoy.  Humingi siya ng ruling sa kanyang pinsan. Nagkabalikan sila at nangakong pagtitibayin pa ang kanilang relasyon.

P. S .

  • Ang Aral o moral na aking natutunan at dapat may tiwala tayo sa ating minamahal. Dahil kapag may problemang darating may masasandalan at malalapitan tayo at Hindi dadating sa puntong Hindi na natin kaya. Kapag pumasok ka sa relasyon dapat may tiwala, tiyaga at pagpapatawad sa isat-isa para maging matibay at matatag ang pagsasama.